Paano magpapayat: Mga Tips Para Pumayat

May napapansin ka bang pagbabago sa pigura ng iyong katawan? Sa madaling sabi ay tumataba ka ba? Ang mga Pilipino ay masasarap magluto: mapa lutong komersyal man yan o lutong bahay. Kaya naman napakihilig rin ng mga Pilipinong kumain, at kapag tumataba na ay ang laging tanong ay paano magpapayat? Ano ano ba ang mga puwedeng tip? Matutulongan ka ng artikulong ito.

Paano magpapayat: Mga sanhi ng pagtaba

Malaki ang kaugnayan ng lifestyle ng isang tao sa pagtaba at pagdagdag ng timbang. Pangunahing rason ng pagtaba siyempre ay ang pagkain. Ang pagtaba ay malaking issue lalong lalo na sa mga kababaihan, alam mo bang sanhi rin ng depresyon ang pagtaba ng isang babae? Lumalabas sa isang survey na kabilang ang pagtaba o pagdagdag ng timbang sa mga rason kung bakit dumadaan sa depresyon ang isang babae. Nakakalungkot isipin lalo’t hindi naman talaga ito problema. Pero ano ano ba ang sanhi ng pagtaba? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Labis na pagkain – Ang labis na pagkain ng matatamis at mayaman sa carbohydrates ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagtaba ng isang tao. Ang problema, paborito ng mga Pilipno ang kanin na siyang nangunguna sa mga pagkaing mayaman sa carbohaydrates. Ang pagkain rin ng matatamis na pagkaing kagaya ng tsokolate, ice cream, cakes at marami pang iba ay isa pang dahilan ng pagtaba.
  • Pagbagal ng metabolism ng katawan – Ang pagbagal ng metabolismo ng isang tao ay kadalasang nagsisimula sa edad na 30 anyos pataas. Dito mapapansin mo na kahit mahina ka ng kumain ay tumataba ka pa din. Ito ay dahil sa bumabagal na ang panunaw ng isang tao kaya nagiging resulta ng pagtaba o pagdagdag ng timbang.
  • Genes o nasa lahi – Mapapansin mo na mayroong magkakamaganak na pare pareho ang mga sukat at pigura ng katawan, mapalalaki man o babae. Kaya tingnan mo ang mga kamaganak mo, kung nasa lahi niyo ang pagiging tabain ay huwag kang magugulat kung manahin mo din ito.
  • Kakulangan sa ehersisyo – Nabanggit ko kanina na ang pagbagal ng metabolismo ay sanhi ng pagtaba. Isa sa pangunahing rason kung bakit bumabagal ang metabolismo ng isang tao ay ang kakulangan nito sa ehersisyo. Ang mga taong may trabaho na laging nakababad sa computer at laging nakaupo buong maghapon ay karaniwang tumataba.

Iilan lamang yan sa mga pangunahing rason sa pagtaba ng isang tao, Ngayong alam mo na ito, alamin na rin natin kung ano ano ba ang puwedeng gawin para pumayat. Paano magpapayat?

Mga tips kung paano magpapayat

Nabanggit ko kanina na ang pagtaba o pagdagdag ng timbang ay hindi isang problema. Mas malusog nga mas mabuti. Kaya lang mayroong mga pagtaba na hindi matatawag na malusog, Kabilang diyan ang labis na pagtaba. Bawat taas o height ng isang tao ay may nauukol na timbang na tamang tama sa kanilang taas, kaya kung lumabis ka rito ay hindi ito maganda. Maaari itong mauwi sa isang malubhang sakit at ibat ibang komplikasyon. Ang tanong, mayroon bang paraan upang maiwasan ang pagtaba? Ano ano ang mga tips para pumayat? Narito ang mga sumusunod:

  • Kumain ng gulay at mga prutas – Sa pagpapapayat, kailangang bawasan ang pagkain ng maraming carbohydrates at matatamis. May alternatibo namang pagkain na maipapalit mo sa mga pagkaing ito. Ito ay ang mga gulay at mga pagkaing sagana sa protina at fats. Nakakatulong ito na maging balanse ang iyong pagkain sa araw-araw. Narito ang mga ibat ibang gulay na mababa sa carbohydrates o mas kilala sa tawag na low-carb :
    • broccoli
    • cauliflower
    • repolyo
    • lettuce
    • pipino
    • celery
  • Iwasan ang mga pagkaing matatamis at mayaman sa carbohydrates – Ang kanin ay kailangan ng katawan ng isang tao, ang taglay nitong sustansya ay nagbibigay lakas sa isang tao. Gayundin ang mga matatamis, kailangan rin ng katawan ng tao ang sugar. Ngunit ang pag consume ng mga ganitong uri ng pagkain sa hindi wastong paraan ay nagiging dahilan ng pagtaba.
  • Ugaliin ang pag ehersisyo araw-araw – Napakahalaga ng ehersisyo sa katawan ng tao, ngunit bakit kaya nakakatamad itong gawin? Gayunpaman, kung ang ultimate goal mo ay ang pumayat ay makabubuting isingit sa iyong oras ang pag eehersisyo. Ang pag ehersisyo ay hindi lang makakatulong sa pagpapayat, ito ay nakakapagpalakas rin ng resistensya o immune system upang labanan ang ibat ibang sakit.
  • Magtakda ng makatotohanang layunin o goals – Importante ito upang mas maging mabisa ang pagpapayat.  Ang pagbabawas ng timbang na mula 1-2 pounds (kalahati hanggang 1 kilo) sa isang linggo ay mas makatotohanang maabot ng marami. Ang mga bihasa sa pagbabawas ng timbang ay nagmumungkahi na itigil ito pag naabot na ng 10 pounds ang ibinawas at ang pag maintain nitong timbang hanggang anim na buwan bago magsimula muli.
  • Paginom ng maraming tubig – Hindi lingid sa kaalaman ng tao ang kahalagahan ng tubig sa katawan. Pero sa anong paraan ba nakakatulong ang tubig sa pagpapayat? Madalas raw na inaakala ng isang tao na gutom ang nararamdaman imbes na pagkauhaw lamang. Kaya sa susunod na makaramdam ka ng gutom, magdalawang isip muna.  Baka nga nauuhaw ka lang. Uminom ka muna ng tubig. May mga ekspertong humihikayat na uminom ng tubig o iced tea bago umupo para kumain. Ipagpatuloy ang paginom habang kumakain para makaramdam ng pagkapuno o pagkabusog.
  • Iwasan ang labis na paginom ng alcohol o alak – Ang alcohol sa alak ay pinagmumulan ng maraming calories. May 150 calories sa isang 12- ounce na beer , 85 calories sa 3.5-ounce na baso ng vino, at mas marami sa mga mixed alcoholic drinks na tinatayang katumbas na rin ng pagkain ng dessert o minatamis.
  • Iwasan ang mga inuming may soda – Ang inuming may soda kagaya ng soft drinks at beer ay mayaman sa calories kaya ang labis na paginom nito ay maaaring makapag pata saiyo.

Paano magpapayat: Ang disiplina sa sarili ay kailangan para pumayat!

Sa pagpaplano ng kahit anumang layunin o goal sa buhay ay napakahalaga ng disiplina sa sarili. Kagaya ng mga tip na nabanggit sa itaas, mabisa ito ngunit, kailangan ng disiplina upang maisagawa at maisakatuparan ito ng maayos. Huwag ring masyadong higpitan ang sarili, maging tama lamang sa pagdidisiplina.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano magpapayat: Mga Tips Para Pumayat
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!