Ano Ang Mabisang Pampapayat ng Tiyan?

Paano ba magpapayat? Ano ba ang mabisang pampapayat ng tiyan? Ilan lamang yan sa mga paulit ulit na tanong ng mga Pilipinong gustong makalaya sa bangungot ng pagiging mataba. Kaya naman nakahanda ang artikulong ito upang sagutin ang iyong mga katanungan ng sa ganun ay matulungan ka sa paghahanap mo ng mabisang pampapayat ng tiyan.

Ano ang sanhi ng pagtaba ng tiyan?

Kapag sumapit na sa edad na 30 ang isang tao ay dito na nagsisumula ang pagtaba ng kanyang katawan. Kahit pa sabihin na hindi ka na gaanong malakas kumain katulad noong bata bata ka pa ay malaki pa rin ang tiyansang tumaba ka, at sa anumang kadahilanan ay nangungunang bahagya ang tiyan kumpara sa ibang parte ng katawan, isang dahilan kung bakit nasisira ang hubog ng katawan mapababae man o mapalalaki. Isa sa mga dahilan kung bakit humuhina ang metabolismo ng iyong katawan ay ang kakulangan sa pagalaw o mobility. Ito ay dahil sa nagkakaedad ka na nga at hindi ka na masyadong malikot katulad noong bata bata ka pa.

Pero bakit marami na ring mga bata ngayon ang mga over weight? Ito ay dahil sa unhealthy metabolism. Totoo na mabilis pa ang kanilang metabolismo, kaya lang ang problema ay hindi naman healthy o masustansya ang kanilang mga kinakain. Ang pinakamabisang pampapayat katulad ng paulit ulit na sinasabi ng mga doktor at mga physical experts ay ang pagkakaroon ng wastong diyeta at tamang ehersisyo, ito rin ang pinakamaingat na pamamaraan ng pagpapapayat.

Mabisang pampapayat ng tiyan

Kapag ikaw ay nagpapayat partikular sa iyong tiyan, ay kailangan seryosohin mo ito, makipag compete ka saiyong sarili at talunin mo ang mga tuksong maaaring sumira sa layunin mo. Kasabay ng wastong diet at exercise ay narito ang ilan pa sa mga mabisang tips na maaaring makatulong sa mga katulad mong nais magpapayat ng tiyan.

  1. Uminom ng maraming tubig araw-araw – Ang paginom ng maraming tubig araw-araw ay nakakatulong upang pabilisin ang metabolismo ng iyong katawan. Mababawasan rin nito ang pagiging gutumin mo dahil sa ang paginom ng tubig ay nakakabusog.
  2. Maging aktibo – Kapag hindi mo magawang mag exercise, ay ilaan mo ang iyong sarili sa mga aktibong aktibidad. Ang consistent na pagalaw ng isang tao ay nakakatulong upang bumilis ang metabolismo
  3. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber – Ang mga prutas at gulay ay mga pagkaing sagana sa fiber. Ang pagkain ng mga ito ay makakatulong sa pagpapayat ng tiyan at mapapabilis rin ang metabolismo ng iyong katawan.
  4. Iwasan ang stress – Nabanggit ko kanina ang kauganayan ng stress sa pagiging mataba. Iwasan ang pagpupuyat at matulog ng maaga. Isa sa mga pangunahing sanhi ng labis na stress sa mga kababaihan ay ang otismo o labis na mataba.

Healty lifestyle: Mabisang pampapayat ng tiyan!

Ang maling lifestyle ay ang pangunahing dahilan ng pagtaba ng isang tao. Dahil ito sa hindi balanse ang kanyang diyeta. Kaya naman kung mahilig kang kumain ng mga unhealthy foods at malakas ka rin uminom ng alak at may kasama pang paninigarilyo, mas makakabuti ang baguhin mo na ang iyong lifestyle bago mahuli ang lahat.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts