Mga Exercise Pampaliit ng Braso

Ang pagkakaroon ng malaking braso ay isang mahalagang parte ng matipuno at hubog na katawan ng isang lalaki, ngunit bangungot naman ito para sa mga babae. Kaya naman kapag ang isang babae ay mayroong malaking braso, kadalasan ang kanyang tanong ay, ano ang pampaliit ng braso? Ano ba ang mga exercise na pampaliit ng braso? Ilan lamang yan sa mga katanungang sasagutin ng artikulong ito.

Ano ang pampaliit ng braso sa mga babae

Bakit ko tinutukoy ang braso ng babae? Meron bang lalaki na magrereklamo kung malaki ang kanyang braso? Maghahanap ba siya ng solusyon upang paliitin ito? Hindi diba? maliban na lamang kung ang lalaki ay may pusong babae. Pagdating sa pagalaga ng katawan o pag maintain ng pigura, nangunguna ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Ang mga babae rin ang mas conscious pagdating sa kanilang pisikal na hitsura. Kaya naman ang pagkakaroon ng isang babae ng malaking braso ay isang malaki ring sagabal sa kanilang goal na pagpapaseksi.

Kaya maraming mga ibat ibang uri ng exercise ang nagsisilabasan mapa telebisyon man o internet tungkol sa issue ng pampaliit ng braso. Upang makatulong saiyo, mayroon ring nakahanda ang artikulong ito tungkol sa mga exercise na pampaliit ng braso.

Mga exercise pampaliit ng braso

Pagdating sa pananamit ng mga kababihan, malaking kabawasan sa kanilang self- confidence o self- esteem ang pagkakaroon ng malaking braso. Kadalasan sa mga babaeng may malalaking braso ay hindi makapag suot ng sleeveless sapagkat mas mapapansin ang kanilang mga braso. At dahil nga self-conscious ang mga babae, magiging mahirap ang ganitong sitwasyon para sa kanila. Para mabigyang kasagutan ang tanong mo ay naghanda ang artikulong ito ng ibat ibang paraan ng exercise na pampaliit ng iyong braso. Narito ang mga sumusunod:

  • Weight Lift 1 – Humawak ng dumb bell sa magkabilang kamay habang nakatayo ng tuwid. Iangat ang magkabilang braso paharap, tuwid at deretso. Pagkatapos ng 2 segundo, ibalik sa unang posisyon. Ulitin ng 15 beses.Pagkatapos nito, gawin sa pakabilang direksyon at iangat palikod kung hanggang saan komportable kang i-stretch palikod. Gawin ito ng 15 beses.
  • Weight lift 2 – Tumayo ng tuwid at humawak ng dumb bell sa magkabilang kamay. Itiklop ang mga braso papunta sa gilid ng dibdib mo. Dapat, katapat ng mga dumb bell ang magkabilang dulo ng balikat mo. Iangat ng matuwid papunta sa taas ng ulo mo ang magkabilang braso. Pagkatapos ng 2 segundo, ibalik sa normal na posisyon. Ulitin ng 15 beses.
  • Plane Stretch – Humiga padapa sa exercise mat. Ilagay ang mga braso ng deretso pakanan at pakaliwa, shoulder level. Ang mga palad ay dapat nakalapat sa exercise mat. Iangat ang upper body at chest kasama ng mga braso na para bang lalagpasan ang level ng ulo mo. Ulitin ng 10 na beses. Pagkatapos, dumapa uli at ideretso ang mga braso pataas ng ulo mo. Ang mga palad ay nakalapat pa rin sa exercise mat. Iangat ang upper body at chest kasama ng mga braso na para bang lalagpasan ang level ng ulo mo. Ulitin ng 10 na beses.

Iilan lamang yan sa mga simpleng exercise na maaari mong gawin sa bahay upang mapaliit ang iyong braso. Tandaan lamang na para maisakatuparan ang iyong layunin katulad ng pagpapaliit ng iyong braso ay sundin ang exercise na ito ng may determinasyon.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts