About

Tungkol Sa Amin

Dahil sa likas na mahilig kumain ang mga Pilipino, parami nang parami ang mga kababayan nating matataba. Bukod sa ang pagiging mataba ay dahilan ng panunukso at asaran, ito rin ang itinuturong isa sa pangunahing mga dahilan ng malalamang mga karamdaman tulad ng highblood, stroke, atake sa puso, kanser, at marami pang ibang mga karamdaman.

Ang kakulangan sa ehersisyo at piskal na mga aktibidad ay isa pa sa mga itinuturing na sanhi ng katabaan ng mga Pinoy. Ito’y marahil sa tinatawag na stagnant lifestyle ng ilan sa ating mga kababayan. Ang matataba at maaalat na pagkain, sabayan pa ng kakulangan sa sapat na ehersisyo ay sanhi ng katabaan. Tandaan, ang katabaan ay siyang pangunahing mamamatay tao hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa buong mundo.

Kaya naman ilinathala naming ang website na Pampapayat.info upang magbigay ng libre ngunit napapanahong mga tips at impormasyon ukol sa pagpapapayat na akma para sa mga Pinoy. Makabago ang mga impormasyong matatagpuan sa Pampapayat.info! Ang mga tips sa website na ito ay subok na hindi lamang dito sa atin kundi pati narin sa ibang mga bansa.

Tandaan: Ang pagpapayat ay hindi kailangang napakahirap at mahal! Basahin mo ang mga napapanahong artikulo sa Pampapayat.info at maging fit na hindi gumagastos ng marami, sa lalong madaling panahon!