Ano ang Mga Pagkaing Mayaman sa Fiber?

Ang pagkain ng mga masustansyang pagkain ang susi sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng isang tao. Pinapalakas nito an gating resistensya o immune system upang labanan ang ibat ibang mga sakit, at malaki ang ambag ng fiber sa pagkakaroon ng malusog na katawan. Ano ba ang fiber? Sa anong uri ng pagkain ba ito nakukuha, at ano ang pangunahing trabaho nito sa katawan ng tao?

Ano ang fiber o dietary fiber?

Ang dietary fiber ay isang uri ng nutrients na kung minsan ay tinatawag rin sa ingels na roughage o bulk. Isa itong uri ng carbohydrate ngunit hindi katulad ng tipikal na carbohydrate, ang fiber ay hindi natutunaw para maging sugar molecules.

Kaya mahalaga ang fiber sa katawan ng tao. Ano ano ba ang dalang benepisyo ng fiber sa iyong katawan? Malalaman mo mamaya kaya magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Benepisyo ng fiber sa katawan

Malawak ang saklaw ng mga benepisyo ang hatid ng fiber sa iyong katawan. Ang mga Pilipino ay mga sigurista, gusto ng mga pinoy na malaman muna ang benepisyo ng isang bagay bago ito susubukan. Kaya naman basahin ang mga sumusunod na benepisyong ito na hatid ng fiber:

  • Regular at normal na pagdumi – Ang pagkakaroon ng maraming fiber sa katawan nakakatulong sa maayos na pagdumi ng isang tao.
  • Pinapababa ang kolesterol ng katawan – Ang kolesterol ay masama sa katawan ng tao. Nagdudulot ito ng ibat ibang komplikasyon kabilang ang puso. Kaya mahalaga ang fiber sapagkat pinapababa nito ang lebel ng kolesterol sa iyong katawan.
  • Normal na lebel ng blood sugar – Ang pagkakaroon ng maraming fiber sa katawan ay makakaiwas sa sakit na dyabetis.
  • Benepisyo sa balat – Tumutulong ito sa pagrestore ng mga namatay na cells ng balat.
  • Benepisyo sa buhok – Pinapatibay ang mga hibla ng buhok at pinapapakal rin ang pagtubo.
  • Napapababa ang risk na magkaroon ng cancer – Ang pagkakaroon ng sapat na fiber sa katawan ay posibleng makaiwas sa nakakatakot na sakit na cancer.
  • Digestion – Pinapabilis nito ang pagtunaw ng iyong mga kinakain kaya madaling nailalabas ang toxins sa pamamagitan ng pagdumi.

Ang ilan pa sa mga hatid nitong benipisyo ay ang pagkakaroon ng malusog at tamang timbang, makakaiwas ka rin sa heat stroke at atake sa puso at pinapababa rin nito ang posibilidad na magka-hemorrhoids. Ngayong alam mo na ang mga benepisyong hatid ng fiber sa katawan mo ay simulant mo na ang pagkain ng mga sumusunod na ito:

Mga pagkaing mayaman sa Fiber

Dahil nga maganda sa katawan ng tao ang fiber ay alam na alam ito ng mga taong mayroong healthy lifestyle. Pero paano naman sa katulad mong walang sapat na kaalaman sa kung saang pagkain nakukuha ang fiber.

Narito ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa fiber:

  • Broccoli mayroong (5g ng fiber.)
  • Green peas (9g ng fiber bawat isang tasa.)
  • Black beans (15g bawat isang tasa)
  • Mansanas kasama ang balat (4.4g na fiber.)
  • Peras o pears kasama ang balat (5.5g na fiber.)
  • Pop-corn (3.5g na fiber bawat 3 tatlong tasa.) at napakarami pang iba.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Mga Pagkaing Mayaman sa Fiber?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!