Paglaki ng Tiyan: Paano Magpaliit ng Tiyan ng Mabilis?

Ang taba sa tiyan ay kilala sa tawag na visceral fat at lubhang mapanganib ito, ang visceral fat ay isang uri ng taba na kung saan seryosong nagdudulot ng type 2 diabetes, sakit sa puso, hypertension at ilang uring cancer. Ang mga taong may sobrang taba sa tiyan ay dapat huwag isawalang bahala ito dahil maaari itong magdulot ng panagnib. Kahit na mahirap ang pagpapaliit ng tiyan,mayroong ilang bagay na pwede mung gawin upan mabawasan ang sobrang taba sa tiyan. Paano ba mapapaliit ang tiyan? Paano pumayat ang tiyan ng mabilis? Paano nangyayari ang paglaki ng tiyan? At an oang mabisang pampapayat ng tiyan?

Mga dapat gawin upang upang gawin kung paano magpaliitng tiyan

Kumain ng maraming Soluble Fiber

Ang soluble fiber ay nag-aabsorb ng tubig at bumubo ng gel na nakatutulong upang maging mabagal ang pagdaloy ng kinain sa ating digestive system. Napag-aralan din na ang ganitong uri ng fiber ay nakakatulong upang bumaba ang timbang, makadarama ka ng pagkabusog dahilan upang kumain ka ng kaunti lamang. Nakatutulong din ito upang buamaba ang calories na maaring ma-absorb ng katawan mula sa mga kimain mo. Ang ilang pagkaing mayroong fiber ay flaxseeds, shirataki noodles, Brussels sprouts, abukado,legumes at blackberries.

Iwasan ang paginom ng sobrang alak

Ang painom ng akunting alak ay mayroong mabuting epekto sa ating kalusugan, ngunit ang labis na paginom ng alak ay may piligrong dulot sa ating kalusugan. Ayon sa ilang pananaliksik ang pag pag-inomng sobrang alak ay isang sanhing pagkakaroonng taba o fats sa tiyan. Ang pagbawas sa paginom ng alak ay malaking tulong upang tumaba ang timbang, hindi naman kailangan na huminto na sa paginom ng alak kung isa ito sa nakapagpapasaya sayo, ngunit ang pagkakaroon ng limitasyon sa kung hanggang saan ka lang iinom ng alak sa isay araw ay napakalaking tulong na ito.

Magkaroonng sapat na tulog

Ang pag-tulog ay napakaimportante sa kalusugan, lalo na saiyong timbang. Napatunayan na mga taong waalng sapat na tulog ay mas Malaki ang chance na tumaas ang timbang, kasama na ditoang pagkakaroon ng taba o fats sa tiyan.
Paano pumayat ang tiyan ng mabilis. Ina-akalang maramina ang pagda-diet lamang ang kailangan upang magkaroon ng maliit na tiyan, nagkakamali sila. Kung gusto mong pumayat, ang paglaan kahit isang oras na page-ehersisyo sa araw-araw mong rutina ay makaktulong upang pumayat ang tiyang ng mabilis.

Ilang ehersisyo na makaktulong upang pumayat ang tiyan ng mabilis:

Crunches – Ito ang pinakamabilis na paraan upang pumayat agad ang tiyan. Paano ito gawin?

  • Ihiga ng flat ang katawan na nakabaluktot ang tuhod at paa sa sahig, itaas ang mga binti sa sahig ng 90-degree
  • Ilagay ang mga kamay sa ulo o maari ring ilaga sa dibdib.
  • Himinga ng malalim at habang inaangat ang katawan sa sahig at sabay exhale.
  • Huminga ulit ng malalim habang unti-unting pinababa muli ang katawan at exhale habang ina-angat muli ang sarili.
  • Gawin itong 10 beses para sa naguumpisa lamang
  • Habang ina-angat ang katawan, huwag umupo ng tuwid. Dapat 30-40 degrees ang pagitan mula sa likod at sahig upang magkararoon ng pressure ang abnominal muscles.

Stomach Vacuum – ang ehersisyong ito ay mas nagbibigay diin sa paghinga sa halip na pagtaas ng heart rate. Kung mayroong sakit sa puso o baga ay mas mabuting huwag gawin ito. Ang ehersisyong ito ay dapat gawin kapag wala pang laman ang tiyan dahil maaari itong maging dahilan ng indigestion. Sunding ang mga hakbang na nabanggit sa ibaba upang pumayat ang tiyan ng mabilis:

  • Lumuhod at ilagay ang dalawang kamay sa sahig,magsisilbiitong suporta ng katawan
  • Huminga ng malalim upang lumiit ang tiyan
  • Exhale, higpitan ang mucles sa tiyan
  • Manatili sa ganitong posisyon ng 15 hanggang 30 segundo
  • Ulitin ang buong proseso

Bending Side to Side – Narito ang paraan kung paano ito gawin:

  • Tumayo ng magkahiwalay ang dalawang paa at ilagay ang mga kaway sa baywang.
  • Ibaluktot ang katawan sa bandang kanan, habang ginagawa ito siguradohing an gang kanang kamay ay nakalag sa kanang parte ng iyong baywang, at ang kaliwang kamay naman ay nakataas. Manatili sa posisyong iot sa loob ng 15 segundo.
  • Bumalik na sa dating posisyon.
  • Ngayon, gawin itong mulisa kaliwang parte at manatili muli sa loob ng 15 segundo. Paunti-unti maaring gawin ito sa loob ng 30 segondo.

Mga dahilan ng paglaki ng tiyan

Ang paglaki ng tiyan o waistline ay maaring dahilan ng pagtanda. Para sa mga babae maaring totoo ito lalo kung menopause na, ang mga taba sa katawan ang napupunta sa tiyan. Ayon sa pananliksik ang pagkakaroon ng taba sa tiyan ay nagdudulot ng panganib sa ating kalusugan.

Sa pamamagitan ng timbang mo maaring nitong matukoy kung nagagamit ba ng katawan mo ang calories na kinakain mo tuwing nagre-release ka ng enerhiya. Kung kumakain ka ng marami pero hindi naman nage-ehersisyo, siduradong tatas ang timbang at magiging sanhi ito ng paglaki ng tiyan o waistline mo. Gayunpaman ang pagtanda ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng taba sa tiyan, ang Muscle mass ay maaring paunti-unting mabawasan habang nagkakaedad, habang nadadagdagan namn ang taba sa katawan. Napapansin ng karamihang kababaihan na lumalaki ang tiyan o waistlinie nilahabang nagkakaedad kahit na hindi naman tumataas ang timbang nila. Dahil ito sa pagbaba ng estrogen level nila, na kung saan mas madaling nai-didistribute ang mga taba sa katwaan.

Mabisang pampapayat ng tiyan

Kung sobra na ang laki ng waistline o tiyan mo, kanit na di gaanomataas ang timbang mo, kailangan mong gumawa ng paraan upang mawala ang mga tabang ito.

Ito ang ilang mabisang pampapayat ng tiyan:

Huwag kumain ng sugar at iwasan ang sugar-sweetened drinks

Ang labis na pagkunsumo ng sugar ay maaring maging pagunhing dahilan ng paglaking tiyan o waistline lalao sa mga sugary beverages tulag ng soft drinks.

Ang pagkain ng protina ay mabisang paraan upang mabawan ang fats sa tiyan

Ang sapat na pagkain ng protina ay napaka-epektibong paraan upang bumaba ang timbang.

Iwasan ang pag-kain na may mataas na carbs

Ayon sa mga pag-aaral ang low-carb diet ay napaka-epektibo upang mawala ang taba sa tiyan, sa paligid ng mga organs at sa atay.

Ang pag ehersisyo ay isa sa mga mabisang paraan ng pampapayat ng tiyan

Ang pagkakaroon ng regular na pagehersisiyo ay isa sa mabisang paraanng pampapyat ng tiyan. Ang ehersisiyo ay nagdudulot ng manuti sa ating kalusugan.

Ang pagpapaliit ng westline o tiyan ay hindi natin ito ginagawa upang maging maganda lamang ang ating katawan kundi isa rin itong paraan upang pangalagaan natin an gating kalusugan. Bagaman ang pagkakaroon ng taba sa ating tiyan ay sanhi ng pagtanda mahalaga parin ang tamang pag-aalaga sa ating katawan. Sa pamamagitan ng tamang pagkain at regular na ehersisyo ay makakmit natin ang layuning pumayat ang tiyan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO