Tuklasin ang mga Paraan Kung Paano Pumayat

Sa ganitong panahon, napakarami nang mga bagay na nadadaan sa bilis maski na ang pagpapapayat. Katunayan, kapag gusto mong bumili ng produktong pampapayat, hindi na kinakailangan pang lumabas. Isang click lang sa computer o cellphone, makaka-order ka na at kung minsan, free delivery pa! Sa panahon din ngayon, kung gusto mong makasiguro o malaman ang bisa ng susubukang produkto magbasa ng reviews at comments online. Marami kang mababasang mga patunay mula sa mga taong mabilis na pumayat. Siguradong interesado at excited ka nang malaman kung paano pumayat ng mabilis.

Kailangan lang na handa ka sa posibleng hirap ng pagpapapayat. Simulan mo naring mag-ipon ng maraming oras at pasensiya para sa mabilis na pagpapapayat. Bago mo malaman kung paano pumayat ng mabisa at pabilis, timbangin muna ang sarili. Importanteng alam mo kung ano ang ideal weight na dapat mong ma-achieve, ang magiging diperensiya o pagbabago ng timbang, at ang mga paraan ng pagpapayat na gagawin.

Isa pa, iwasan ang pagkain ng mga pagkaing matatamis at matataba. Ang mga klase ng pagkaing ito lubhang napakabilis na magpataba. Makakatulong din kung ikaw ay kikilos at gagawa sa bahay upang ikaw ay pagpawisan. Kapag ikaw ay pinagpapawisan, tiyak na masusunog ang naipon mong taba at bilbil na nananatili sa tiyan mo.

Mga tips kung paano pumayat nang mabilis

Hindi naman kinakailangang napaka-komplikado ng mga gagawin upang mabilis na ang pagpapapayat. Madalas, ang mga gawaing ito ay iyung mga nagagawa lamang sa loob ng bahay. Simple lang pero maglaan ng oras para rito. Kapag inaraw-araw mo ang mga ito, siguradong bibilis ang pagbaba ng timbang at pagliit ng tiyan at katawan. Narito ang mga epektibong paraan para pumayat:

  • Magtrabaho sa bahay. Mabilis makapagpapayat ang paglilinis ng bahay. Kung nais mo talagang malaman kung paano pumayat ng mabilis, humawak ng walis at dustpan araw-araw at gawin ito sa umaga at hapon.
  • Kumonsumo ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration. Uminom ka ng 8 baso ng tubig araw-araw. Nakakatulong ito para malinis ang mga toxin mo sa katawan. Mainam na panlaban din sa sakit ang pag-inom ng tubig. Importanteng maayos ang kalusugan mo kapag ikaw ay nagpapapayat.
  • Kaysa sa sa tsitsirya, kumain ng maraming gulay at prutas. Ang mga ganitong pagkain ay mayaman sa fiber kaya nakatutulong ang mga ito sa digestive system. Hindi maiipon at mananatili sa tiyan at bituka ang taba kung normal ang pagdumi mo at kung lubos na nalilinis ang loob ng katawan.
  • Ugaliin ang pagtayo nang mas madalas kahit pa ang trabayo ay nangangailangan ng matagal na pagkakaupo. Ang break na pagtayo kada 2 oras sa pagkaaupo at paglalakad-lakad ay nakatutulong para bumilis ang metabolism at pumayat.
  • Mag-diet kasabay ang pag-e-exercise. Siguradong bibilis ang pagpayat kapag sinabayan ng daily workout ang diet kaya naman napakalaki ng tsansa mong maabot ang pangarap na sexy at slim body sa lalong madaling panahon.
  • Huwag magpa-stress. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Kapag ikaw ay stressed, nalilipat ang atensiyon at konsentrasyon mo sa mga bagay na ikinaka-stress mo. Nawawala ang focus mo sa paggawa ng paraan kung paano ba pumayat.

Posible pang pumayat sa loob lamang ng ilang araw?

Oo naman! Sa katunayan, maaari ka ngang isang linggo lang. Oo, ito ay posible pero hindi madali. Ito na nga yata ang pinakamabigat na pagsubok na haharapin mo sa mga susunod na pitong araw—ang pagpayat sa loob lamang ng pitong araw. Talaga namang napakasarap magpapayat lalo na kung may goal na dapat makamit. Maraming mga pagsubok na mararanasan meet ang isang taong gustong magpapayat.

Una na rito ang craving at tukso sa mga pagkaing napakabilis magpadaba katulad na lamang ng desserts, chips at mamantikang pagkain. Pangalawa, ang hirap gumising! Talagang challenging ang pagbangon ng maaga para makapag-exercise. Ang paghinto sa mga maling nakagawian na ay isa ring pagsubok para malampasan ang hirap ng mabilis na pagpapapayat. Malaki rin ang epekto ng paninigarilyo, pag-inom pagpupuyat, sa nais mong mabilis na pagpayat.

Don’t worry. Kung susundin mo lang ang mga nabanggit, siguradong kakayanin mo talagang pumayat sa loob ng isang linggo lamang. Magtiyaga ka lang at maglaan ng oras at lakas para ma-achieve mo ang goal mo. Kailangan din ng lubos disiplina sa sarili at ito ay garantisadong mabilis na pampapayat.

Narito ang ilan sa mga simpleng paraan para pumayat in no time. Sa maniwala ka’t sa hindi, ngunit tutulungan ka ng mga ito kung paano magpapayat ng isang linggo:

  • Pag-inom ng isang tsaa ng mainit na tubig 30 minuto bago kumain. Nakakatulong ito para mapabilis ang pagtunaw sa pagkain sa loob ng katawan.
  • Umiwas hanggang sa tuluyan nang matigil sa colored drink dahil ang ito ay mataas sa sugar content. Iwasan din an pag-inom ng malamig na tubig kapag ikaw kumakain
  • Magbawas sa pagsawswa sa patis, bagoong at toyo. Ang mga ito ay mas lalo pang nakakagana sa pagkain.
  • Iwasan ang sobrang tamis na pagkain dahil ang mga ito ang malakas magpataba.
  • Mas damihan at dalasan pa ang pagkain ng mga protein-rich foods kagaya ng itlog dahil ang mga ito ay nakakadagdaga-sigla sa katawan kaya naman bibilis ang iyong metabolismo
  • Magkaroon ng hustong tulog araw-araw. Maglaan ng 8 para makapag-ipon ng lakas.
  • Mag-ehersisyo kalahati hanggang isang oras araw-araw. Sinusunog ng exercise ang mga kinakain moa raw-araw, healthy man o hindi.
  • Gumamit lamang ng olive at virgin coconut oil sa tuwing ikaw ay magluluto.
  • Kumain ka ng heavy breakfast para makaiwas sa madalas na pagkagutom.
  • Sabayan mo ang mga gawain ng pag-inom ng dietary supplement na ligtas gamitin. Makakatulong ito para sa pagbilis ng pagtutunaw at pagsusunog ng calories at taba sa katawan.

Lagi mong tatandaa, ang lahat ng mga nabanggit ay mga mabisang paraan kung paano pumayat ng mabilis. Sila ay ligtas gawin dahil wala namang kemikal na sangkap na nakahalo sa mga nairekomendang pagkain at inumin. Maging ang mga exercises ay simple lang kaya garantisadong mabilis kang papayat. Hindi mo man kaagad maa-achieve ang goal mo, garandisado naman ang pagkakaroon ng pagbabago. Disilipina at determinasiyon lamang ang susi kaya go for it. Good luck, and happy exercising and dieting!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Tuklasin ang mga Paraan Kung Paano Pumayat
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!


I-CLICK NGAYON! TRENDING!