Paano Pumayat ng Mabilis: Magpapayat ng Isang Linggo!

Likas sa mga Pilipino ang mahilig sa pagkain, lalo na kapag sunod sunod ang mga okasyon ay talaga namang nasisira ang diet. Kaya kapag lumubo na ng husto ay naghahanap kaagad ng mabilisang solusyon upang pumayat. Paano nga ba pumayat ng mabilis? Totoo ba na puwede kang pumayat sa loob lamang ng isang lingo?

Paano pumayat ng mabilis?

Paano ba pumayat ng mabilis? Yan ang palaging tanong ng mga Pilipinong nais pumayat lalong lalo na sa mga kababihan na mas maalaga at mas conscious sa kanilang katawan kumpara sa mga kalalakihan. Ang layunin ng mga nagpapapayat ay karaniwang iba iba, may mga gustong pumayat dahil gusto nilang maging seksi, mayroon namang gustong pumayat upang maging healthy o malusog, at mayroon din namang gustong pumayat dahil siya ay may karamdaman. Pero iba iba man ang layunin ay iisa lamang sila ng gusto, ito ay ang pumayat ng mabilis. Ang pagdaan sa tamang proseso ng pagpapayat ay mas maganda at mas kahanga hanga kumpara sa mga ilan na gumagamit ng ibat ibang uri ng gamot na iniinum man o ini-inject. Pero masisisi mo ba ang isang tao kung nais niyang mas mabilis? Meron bang tamang paraan upang pumayat ng mabilis?

Para makatulong sa iyong problema, nakahanda ang artikulong ito na sagutin ang iyong mga katanungan kaya magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Paano pumayat ng mabilis: Ang wastong paraan ng pagpapayat

Ang wastong paraan ng pagpapayat ay siyang iminumungkahi ng mga eksperto. Ang paginom ng mga gamot na may chemical substance katulad ng mga slimming pills ay mahigpit na ipinagbabawal ng mga Fitness expert at maging ang mga doktor ay sinangayunan ito, ang paginom ng mga ganitong gamot ay maaaring makasama sa iyong kalusugan. Kaya naman ang tanong ay ano ba ang wastong paraan ng pagpapayat? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Mag ehersisyo araw-araw – Ugaliin ang pag ehersisyo araw-araw. Kapag ang katawan ng isang tao ay aktibo, mas mabilis ang kanyang metabolismo. Ang mga kinakain mo ay mabilis matunaw at nalulusaw kaagad ang mga sobrang taba at pinapalitan ng enerhiya. Maraming paraan ng pag ehersisyo, puwede itong gawin sa loob o labas ng bahay at kahit anong oras.
  • Kumain ng masustansyang pagkain – Ang pag eehersisyo at pagkain ng mga masusustansyang pagkain ay dapat laging magkasama. Ito ang sekreto sa mabilis na pagpapayat. Iwasan ang pagkain ng maraming kanin. Imbes kumain ng kanin sa merienda ay kumain na lamang ng nilagang saging o kamote bilang pampalit dit. Ugaliin rin ang pagkain ng maraming gulay at prutas. Ang katawan na mayroong balance diet ay nakakatulong sa pagpapayat.
  • Iwasan ang mga bisyo – Kapag bisyo ang pinaguusapan nangunguna ang alak at sigarilyo diyan. Pero mayroong mga bisyo na kadalasan ay hindi mo napapansin na bisyo na pala. Ano ba itong tinutukoy ko? Hindi ka ba makakain kung walang katabing soft drinks? Eh ang pagtulog kaagad pagkatapos kumain? Ilan lamang yan sa mga kaugalian ng isang tao na kadalasan ay nagiging bisyo.

Kapag naisagawa mo ng maayos ang tatlong nabanggit ay malaki ang iyong chance na ma achieve ang pagpapayat na gusto mo. Sabayan lamang ito ng tiyaga at determinasyon at magkaroon ng positibong pananaw. Iwasan ang mga tukso ng sanlibutan na maaaring makasira sa iyong layunin.

Paano magpapayat ng isang linggo

Paano magpapayat ng isang linggo? Totoo ba ito? Ang pagpapayat ay depende sa kagustuhan ng isang tao. Mayroon kasing mga taong matitiyaga at kahit ba matagalan ay basta dumaan sa tamang proseso ay okay lang. Ngunit hindi lahat ng tao ay may mentalidad na ganyan, kadalasan ay mainipin at gustong mapabilis kaagad ang resulta. Kaya ang nangyayari ay kapag walang nakitang agarang resulta ay humuhinto na sa kanyang layunin dahil nga naiinip. Pero upang makatulong, nakasulat sa artikulong ito ang ilan sa mga tip na maaaring makatulong sa mga katulad mo na gustong pumayat sa loob ng isang linggo. Tandaan lamang ang mga sumusunod:

  • Uminom ng sabaw ng buko – Ang sabaw ng buko ay nakakatulong sa paglinis ng katawan at paglabas ng mga toxin na naiipon sa loob ng katawan natin. Kaya ugaliin ang paginom ng sabaw nito at mararamdaman mo ang kakaibang feeling gaya ng magaan na pangangatawan at pakiramdam.
  • Iwasan ang mga pagkaing matatamis – Ang labis na asukal ay masama sa katawan ng tao. Nagiging resulta rin ito ng pagtaba. Kaya iwasan ang mga pagkaing katulad ng tsokolate, cake, ice cream, candies at iba pang pagkaing matatamis. Ang pagkain nito ay makakasama sa iyong layunin na pumayat ng mabilis.
  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina – Alam naman natin na ang protina ay maganda para sa mga muscle.  Ang protina ay nagpapasiksik ng katawan at nagbibigay enerhiya na sapat sa isang araw ng aktibidad. Umpisahan ang araw sa pamamagitan ng pagkain ng itlog, lalo na ang puting bahagi nito. Para sa kadagdagang protina, pagsalit-salitin ang kain ng beef, tupa, at manok. Ang isang salmon ay mayaman rin sa protina.
  • Uminom ng mainit na tsaa 30 minutes bago kumain – Nakakatulong ang tsaa para sa mabilis na digestion. Kapag mabilis matunaw ang pagkain sa loob ng iyong tiyan ay maiiwasan ang pagkaipon nito na maaaring mauwi sa taba.
  • Uminom ng malamig na tubig – Ang palagiang pag-inom ng malamig na tubig ay nakatulong para masunog naman ang 5 to 10 calories sa iyong katawan. Ito ay dahil nangangailangan ng maraming energy ang katawan para magsunog ng fats sa loob nito. Kaya naman kapag umiinom ng malamig na tubig, mas nagkakaroon ng energy ang katawan kaya mas mapapadali ang pagsunog ng taba.

Mga dapat tandaan ukol sa mabilis na mga pampapayat

Katulad nga ng paulit ulit kong sinasabi, anumang layunin sa buhay ng isang tao ay kailangan ng tiyaga at determinasyon. Kagaya na lamang sa mga katulad mong gustong pumayat ng mabilis. Hindi masama ang maghangad ng agarang resulta basta gawin lang ng maayos ang mga nakasulat sa itaas. Gawin ito ng may kasayihan upang hindi mahirapan. Katulad na lamang ng pag ehersisyo, Kung tinatamad ka ay maaari mo itong idaan sa paglaro ng sports, Maraming paraan kung talagang gugustuhin kailangan lamang ng positibong pananaw.

KATULAD NA MGA ARTIKULO