Paano Lumiit Ang Braso: Epektibong Pampaliit ng Braso ng Mga Babae

Hindi mo maisuot ang iyong paboritong sleeveless dahil mapapansin ang iyong braso? Natagpuan mo na ang sagot sa iyong problema!. Ang artikulong ito ay tutulong saiyo kung paano magpaliit ng braso, mga tip at exercise na makakatulong pampapayat ng braso at marami pang iba.

Bakit malaki ang braso ng babae?

Naghahanap ka ng mabisang solusyon kung paano lumiit ang braso? Bago natin talakayin ang kasagutan sa iyong problema, alamin muna natin kung bakit malaki ang braso ng isang babae gayung karaniwan ang ganitong katangian para sa mga lalaki. Naitanong mo na ba sa harap ng salamin kung bakit malaki ang iyong braso? Alam mo bang may mga naiipong unhealthy fats sa limang bahagi ng iyong katawan? Ito ay sa hita, puwetan, balakang, tiyan, at siyempre ang pinaka-iingat ingatan mong braso. Para sa mga babae, malaking issue ito! May mga pagkakataong nakakabawas ito ng self-esteem o self-confidence sa kanila dahil kumpara sa mga lalaki, ang mga kababaihan ang mas conscious sa kanilang body figure. Limitado rin ang mga damit na pagpipilian, iiwasan mo siyempre ang mga fit na damit, o kaya sleeveless dahil mas kapansin pansin ang iyong braso sa mga ganitong klaseng suotin. Problema nga kung seseryosohin. Mayroon namang mga babaeng malaki ang braso dahil sa tinatawag na genetic factors o namamana. Ang mga ganitong kondisyon ang mas mahirap solusyunan dahil taglay na nila ang malaking braso simula paka panganak pa lamang. Gayunpaman, lahat ng bagay ay may solusyon kailangan mo lamang subukan.

Ayon sa mga physical experts, mayroong mga uri ng exercise na pampapayat ng braso. Kung gusto mong malaman ay magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Paano lumiit ang braso: Mga exercise na pampapayat ng braso

Paano magpaliit ng braso ng babae? Sundin lamang ng maayos ang mga sumusunod na exercise na ito:

  • Pagpatalbog ng bola o ball slams –  Ang paulit ulit na paggalaw sa ehersisyong ito ay magbibigay saiyo ng mga benepisyo ng hardcore exercise na hindi ka masyadong nahihirapan. Ito ay magdudulot ng pagod sa mga braso mo at cardio workout na rin para sa katawan. Mas makabubuti ang paggamit ng medicine ball o slam ball.
  • Paggamit ng dumbbell para sa weight lift – Humawak ng dumb bell sa magkabilang kamay habang nakatayo ng tuwid. Iangat ang magkabilang braso paharap, tuwid at deretso. Pagkatapos ng 2 segundo, ibalik sa unang posisyon. Ulitin ng 15 beses.Pagkatapos nito, gawin sa pakabilang direksyon at iangat palikod kung hanggang saan komportable kang i-stretch palikod. Gawin ito ng 15 beses.
  • Arm Slide – Ang arm slide ay isang mabisang ehersisyo na nakapagpapa-activate ng mga kalamnan sa braso, lalo na ang tricep. Ito ay makakatulong din na iwork out ang iyong buong core.
  • Half-Moon Rotation – Iaangat ng deretso ang magkabilang braso pakaliwa at pakanan. Itiklop ng tuwid ang palad pababa tungo sa lupa at marahan na itulak ang tuwid na palad papunta sa likuran at ibalik. Tiyakin na tuwid ang palad habang ginagawa ito. Mabilis na ulitin ng 25 na beses. Pagkatapos nito, ang tuwid na palad ay marahan na itulak papunta sa harapan at ibalik. Mabilis na ulitin ng 25 na beses.
  • Scissors – Iangat ng deretso pakaliwa at pakanan ang magkabilang braso. Dalhin pakabilang direksyon ang bawat isa na para bang ginagaya ang paggalaw ng isang gunting. Ang motions na mga ito ay dapat mabilis at ulit-ulitin ng 25 na beses.
  • Plane Stretch – Humiga padapa sa exercise mat. Ilagay ang mga braso ng deretso pakanan at pakaliwa, shoulder level. Ang mga palad ay dapat nakalapat sa exercise mat. Iangat ang upper body at chest kasama ng mga braso na para bang lalagpasan ang level ng ulo mo. Ulitin ng 10 na beses.
  • Arm circles – Napakasimple at epektibo ang ehersisyong ito. Iangat ng deretso pakaliwa at pakanan ang mga braso. Iikot ng maliit at mabilis na motion ang mga ito clockwise at counter clockwise naman pagkatapos. Gawin ito ng tagsingkwentang beses bawat direksyon.

Paano lumiit ang braso: Pagkaing pampaliit ng braso

Tandaan na ang paglaki ng iyong braso ay karaniwang sanhi ng pagtaba o pagdagdag ng timbang ng iyong katawan. Kaya importanteng bantayan ang iyong food intake. Pillin ang mga pagkaing mayroong supplements na makakatulong sa pagpaganda ng iyong muscle tones para mabawasan ang mga sobrang taba sa iyong katawan partikular sa iyong braso.

Ano-ano ba ang mga dapat mong hanapin na pagkain na makakatulong sa pagpapaliit ng iyong braso? Narito ang ilan sa mga sumusunod:

  • Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C. Ang pag comsume ng maraming Vitamin C ay nakakatulong sa pagpapalakas ng blood vessels na siyang napakahalaga sa pag buo at pagpaganda ng muscle tissues. Narito ang mga pagkaing mayaman sa Vitamin C: Bayabas, kiwi, Broccoli, Bell pepper, Citrus fruits, at marami pang iba.
  • Ang pagkain ng mayaman sa Vitamin B ay nakakatulong sa pag-buo ng muscle at pinangangalagaan ang nerves ng katawan. Tumutulong din itong buwagin ang build-up ng fats sa katawan. Ano-ano ba ang mga pagkaing mayaman sa Bitamina B? Prutas, gulay, itlog, isda at karne, and shellfish at marami pang iba.
  • Kumain ng maraming protina. Ang pagkain ng itlog, karne, at mga isda ay nakakatulong sa pagbuo ng muscle at linalabanan nito ang mga excess fats ng katawan. Mainam itong kainin ng mga katulad mong gustong pumayat ang braso.
  • Ugaliin ang paginom ng gatas. Ang gatas ay mayaman sa calcium na nagpapatibay sa buto at muscle ng isang tao. Linalabanan rin ng calcium ang mga excess fats saiyong katawan.

Paano magpaliit ng braso ng babae: Mahalaga ang disiplina sa sarili!

Ang mga nabanggit na paraan kung paano lumiit ang braso ay wala ring saysay kung hindi ito isasagawa ng mabuti. Kailangan palaging magkasama ang tamang diet at wastong exercise sa anumang physical goals katulad ng pagpaliit ng braso. Magkaroon ng disiplina sa sarili at huwag kaagad panghinaan ng loob kapag walang magandang agarang resulta. Ang pagbabago sa katawan lalo na sa braso ay hindi madali, nangangailangan ito ng panahon at extra effort. Kailangan mo lamang ng positive mindset na kung kaya ng iba, ay kaya mo rin.

KATULAD NA MGA ARTIKULO

Related posts