Ano ang Epektibong Pampapayat ng Braso?

Nais mo bang pumayat ang iyong braso? Kung minsan ba ay nahihiya kang humarap sa salamin dahil sa mas mukhang hita ang iyong braso dahil ng sa laki nito? Ilan lamang yan sa mga katanungang masasagot ng artikulong ito kaya magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Bakit kailangan ang pampapayat ng braso?

Puwede bang magpapayat ngunit sa isang bahagi lang ng katawan? Puwede ba ang ganitong paraan samantalang hindi maaapektuhan ang ibang bahagi ng katawan? Kung iisipin, imposible nga naman ito ngunit may mga paraan na makakatulong. Paalala lang, huwag na huwag kang maniniwala sa mga nagsisilabasang mga gamot sa pamamagitan ng adbertismo na ang layunin ay paliitin o papayatin ang isang bahagi lamang ng katawan katulad ng tiyan at braso. May mga nagsasabing imposible ito at pinagtibay naman ito ng ilan sa mga eksperto.

Mayroong mga babae na talagang malaki ang braso paka panganak pa lamang sa kanila. Ito ay dahil sa genes ng kanilang pamilya na kaniyang minana. Mas mahirap ang mga ganitong kondisyon, Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na wala na itong pagasa at wala ka ng magagawa. Ayon sa mga eksperto, ang tamang diet at wastong exercise ay mabisang paraan na pampapayat ng braso. Ano ano ba ang mga exercise na ito?

Mga exercise na mabisang pampapayat ng braso

Maraming mga Pilipino ang talagang nahihilig sa exercise, karamihan sa kanila ay may isang layunin o goal. Ang magpapayat. Ang pag eehersisyo ay hindi lang nakatutulong magpapayat sa isang tao, nakakapagpalaks rin ito ng resistensya. Dumako naman tayo sa iyong braso, Nabanggit ko kanina na mayroong pagasang pumayat ang iyong braso sa pamamagitan ng exercise. Kaya naman narito ang ilan sa mga uri ng ehersisyo na makakatulong saiyo.

  • Arm Slide – Ang arm slide ay isang mabisang ehersisyo na nakapagpapa-activate ng mga kalamnan sa braso, lalo na ang tricep. Ito ay makakatulong din na iwork out ang iyong buong core.
  • Pagpatalbog ng bola o ball slams –  Ang paulit ulit na paggalaw sa ehersisyong ito ay magbibigay saiyo ng mga benepisyo ng hardcore exercise na hindi ka masyadong nahihirapan. Ito ay magdudulot ng pagod sa mga braso mo at cardio workout na rin para sa katawan. Mas makabubuti ang paggamit ng medicine ball o slam ball.
  • Pag gamit ng dumbbell para sa weight lift – Humawak ng dumb bell sa magkabilang kamay habang nakatayo ng tuwid. Iangat ang magkabilang braso paharap, tuwid at deretso. Pagkatapos ng 2 segundo, ibalik sa unang posisyon. Ulitin ng 15 beses.Pagkatapos nito, gawin sa pakabilang direksyon at iangat palikod kung hanggang saan komportable kang i-stretch palikod. Gawin ito ng 15 beses.

Ang wastong diet ay mabisang pampapayat ng braso

Ang mga ehersisyong nabanggit sa itaas ay mawawalan ng saysay kapag walang disiplina sa sarili. Katulad na lamang sa dyeta ng isang tao. Ang hindi wastong pagkain at grabeng pag inom ng alak ay makakaapekto sa iyong layunin na papayatin ang iyong braso. Ang pagsagawa ng exercise ay dapat may kasamang determinasyon at siyempre pa, dapat ay may positibong pananaw na ma aachieve mo ang iyong goal. Ito ang pinakamahalagang bagay, ang pagtiwala sa sariling kaya mo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Epektibong Pampapayat ng Braso?
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!