Mga Exercise na Pampaliit ng Tiyan

Nahihiya ka ba dahil malaki ang iyong tiyan? Madalas ba itong napapansin ng iyong mga kasama at napagkakamalan kang buntis? Natural lamang sa isang tao ang maging conscious sa kanyang katawan, kaya naman ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay isang issue na ibig na ma solusyunan, mapa lalaki man o babae. Ano ano ba ang mga puwedeng gawin upang mapaliit ang tiyan, may mabisa bang exercise para dito?

Pampaliit ng tiyan: Bakit malaki ang tiyan?

Ang pagkakaroon ng malaking tiyan ay maraming dahilan, Sa babae, marahil ay buntis lamang o kaya ay may problema sa obaryo at buwanang dalaw o monthly period. Kabilang din diyan ang mga taong malakas kumain at uminom ng alak at dagdag pa ang kakulangan sa exercise. May mga kaso rin dahil sa obesity o matataba at mga taong may problema sa bituka kagaya ng pagkakaroon ng bulate at iba pang impeksyon sanhi ng parasitiko o parasites. Ang taba ay nabubuo dahil sobra ang pagkain na kailangan ng katawan para bigyan ng enerhiya ang mga ginagawa ng isang tao sa pang-araw-araw. Ang sobrang pagkain na ito, imbis na magamit bilang enerhiya, ay naiipon bilang taba.

Kaya naman napakahalagang malaman muna kung bakit ba lumaki ang iyong tiyan bago ito gawan ng aksyon at paliitin. Ano ba ang kadalasang nararamdaman ng taong malaki ang tiyan? Narito ang ilan sa mga simpleng epekto ng pagkakaroon ng malaking tiyan:

  • Nahihirapan dumumi o bihirang dumumi
  • Palaging ututin dahil sa hangin sa loob ng tiyan
  • Palaging puno ang tiyan o busog
  • Minsan ay nahihirapan huminga
  • Madalas hingalin at madaling mapagod
  • Mabigat ang katawan at mabagal maglakad
  • Kung minsan ay walang gana sa pagkain o kulang sa apetite

Ngayong alam mo na ang mga pahirap na dulot ng pagkakaroon ng malaking tiyan ay alamin naman natin kung ano ba ang puwedeng gawin upang paliitin ito. Ano ba ang tamang exercise pampaliit ng tiyan.

Iba’t ibang uri ng exercise pampaliit ng tiyan

Malaking pasanin ang pagkakaroon ng sobrang malaking tiyan, Bukod sa limitado na ang iyong galaw ay madali ka ring mapagod at hingalin. Nagiging dahilan tuloy ito ng pagbawas sa kakayahan ng isang taong maging produktibo sa maraming bagay, katulad na lamang sa pagtatrabaho. Pero mayroong dalang magandang balita ang artikulong ito. Ituturo ko saiyo ang mga ibat ibang exercise pampaliit ng tiyan. Narito ang mga sumusunod:

  • Pagbibisekleta – Kung mayroon kang bisekleta sa inyong bahay ay gamitin itong instrument upang mapaliit ang iyong tiyan. Ang pagbibisekleta ay nakakapagpalakas sa upper at lower abs, at ng ang oblique muscles.
  • Pagtakbo o pag jogging – Ang pagpapawis dahil sa pagtakbo o pag jogging ay siyang sumusunog sa mga excess fats o sobrang taba ng katawan ng isang tao, at pangunahing benepisyo nito ang pagliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pag takbo o jogging tuwing umaga paggising.
  • Push ups at sit ups – Malaki ang naitutulong ng dalawang exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan. Ugaliin lamang ang pagsagawa nito tuwing umaga o kahit anong oras.
  • Planking – Halos magkatulad ang posisyon ng push up at planking, magkakaiba lamang sa hakbang kung paano ito gagawin. Sa halip na ibaluktot ang braso at ibaba ang katawan, gawin ang push up position ng naka-extend ang iyong braso. I-hold ang posisyon sa loob ng tatlumpung segundo at unti-unting magdagdag ng 10 second bawat araw depende sa kaya mong gawin. Malaki rin ang maitutulong ng exercise na ito sa pagpaliit ng tiyan.
  • Squats – Ang squats naman ay mabisa sa pagpapatibay ng ating hita, binti, at balakang. Ito din ay isa sa mga pangunahing ehersisyo na nagbibigay sa atin ng isang magandang body figure dahil tumutulong itong bigyang hugis ang ating katawan at pagbabawas ng taba.

Ngayong alam niyo na ang wastong exercise sa pagpapaliit ng tiyan ay isagawa na lamang ito ng mabuti. Tandaan na ang pag exercise ay nangangailangan ng sipag, tiyaga, at determinasyon. Para sa dagdag tip para pampaliit ng tiyan ay gawin rin libangan ang mga sumusunod:

  • Uminom ng tubig bago kumain, nakakatulong ito upang mabawasan ang dami ng posibleng makain.
  • Bawasan ang sukat ng kanin na kinakain.
  • Bawasan ang pag inom ng alak at beer sapagkat nakakapag palaki ito ng tiyan partikular sa mga lalaki.
  • Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.
  • Iwasan ang pagupo ng matagal, ugaliin ang pag stretching tatlong beses isang araw.
  • Huwag magpatalo sa stress at matulog ng tama at sapat sa oras.

Bukod sa mga exercise pampaliit ng tiyan, subukan rin ang pagkain ng mga ito:

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. Ang protina ay kailangan sa pagbabawas ng timbang dahil binabawasan nito ang gana sa pagkain ng hanggang 60 porsiyento at pinapalakas ang metabolismo ng 80 hanggang 100 kaloriya bawat araw. Ang mga pagkaing maprotina ay sinasabing may malaking epekto sa pagpapaliit ng tiyan. Ang itlog, karne, mga isdang dagat ay mga pagkaing mayaman sa protina.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Ang fiber ay sinasabing nakakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang pagkonsumo ng 14 grams ng fiber sa isang araw ay nakakabawas ng 10 porsiyento ng kaloriya at dalawang kilo mula sa timbang. Napagkukunan ng fiber ang mga gulay at prutas kaya inirerekomenda ang pagkain nito ng madalas.

Mga dagdag kaalaman sa pagpapalit ng tiyan

Hindi masama ang maghangad ng magandang pigura mapababae man o lalaki. Mabuti nga ito dahil kadalasang ang mga taong may magandang pigura ay healthy o malusog. Ang masama ay ang paghangad ng madaliang proseso sa pagpaliit ng tiyan. kung kaya nauuwi sa paghanap at pagsubok ng mga iniinom na gamot na may chemical substance, kabilang dito ang mga slimming pills. Totoo na may mga uri ng ganitong gamot ang inirerekomenda ng mga doktor at ng ibang eksperto ngunit mayroon din namang itong mga side effects na puwedeng makasira sa katawan ng tao. Hindi ba mas maganda ang pagpapaliit ng tiyan na dumadaan sa tamang proseso? Kagaya na lamang ng mga nabanggit sa itaas, dahil ika nga, walang tatalo sa wastong diet at exercise.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Exercise na Pampaliit ng Tiyan
Rate this post

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!