Mga Dapat Gawin at Inuming Pampaliit ng Tiyan

Nakaranas ka na bang papilahin sa priority lane dahil ang akala ay buntis ka? Hindi ba’t hindi mo alam kung matutuwa ka dahil mapapabilis ang kung ano mang transaksiyon mo o maiinis ka dahil hindi ka naman talaga buntis at malaki lang ang tiyan mo? Talaga namang nakakaasar kapag nangyayari ito. Kaya talagang nanaiisin mong maghanap ng mga epektibo at mabilis na pampaliit ng tiyan.

Napapanahon na nga talaga para paliitin ang tiyan. Kapag kasi hindi mo ito ginawa, tuluyan nang bababa ang self-esteem mo. Madalas, ito ang mabagal lumiit sa pagpapapayat. Madalas din, may mga taong na lumiit na halos ang buong katawan nila habang sila ay nagpapapayat maliban na lamang ang tiyan. Buti nalang, may mga artikulo at tips na matatagpuan online upang maturuan tayo ng iba’t-ibang tips kung paano magpaliit ng tiyan.

Challenging ngang maituturing ang pagpapaliit ng tiyan. Subalit ito ay hindi imposible. Kailangan mo lang, unang-una, ay magtiwala sa sarili at pangalawa, magkaroon ng mahabang pasensiya. Matinding tiyaga rin at at disiplina ang kailangan mo para ikaw ay magkaroon ng flat abs. Napakaraming matatagpuang interesante at epektibong paraan ng pampaliit ng tiyan. Importante lang na alam mo at pamilyar ka mo kung alin sa mga ito ang akma sa katawan, kalusugan at kundisyon mo. Ikaw ba ay iinom ng gamot na pampaliit ng tiyan? O, Magpapapawis ka araw-araw?

Paano paliitin ang tiyan

Gustuhin mo man o hindi, ang tiyan mo ang pinakaunang napapansin sa iyo kapag ikaw ay tumataba. Ang masakit pa rito, mas nahahalata pa ang kapag tumataba ng isang tao. Hindi man sa lahat ng oras, pero madalas, ang excess fat ay nananatili sa tiyan. Heto ang ilan sa mga mabisang pampaliit ng tiyan na puwede mong subukan:

  • Ituring mong kaaway ang juice at softdrinks – tried, tested and proven nang epektibong pampaliit ng tiyan ang pagtanggal ng ano mang uri ng colored drink sa eating habit. Ayon sa pag-aaral, ang mga uri ng inuming ito, partikular na ang softdrinks, ay isa sa mga nagiging pangunahing sanhi ng obesity.
  • Tigilan na ang pag-inom ng beer – Tiyak na alam mo nang ito ang pinaka-pangunahing inuming present kapag may okasyon o salo-salo. Ang pag-inom nito nang madalas ay siguradong makapagpapalaki ng tiyan. Napakabilis makapagpalaki ng tiyan ang beer. Kaya naman kung seryoso ka sa pagpapaliit nito, tanggalin na ang pag-inom ng beer sa lifestyle mo.
  • Magbawas sa kanin – Kung nakasanayan mo nang kumain ng isang tasa ng kanin o higit pa, mag-umpisa na sa pagbabawas nito. Gawin na lamang kalahating tasa kada kain ang nasa plato mo. Ito ay garantisadong mabisang pampaliit ng tiyan. Itinuturing mang staple food sa Pilipinas, ito naman ay sobrang lakas makapagpataba.
  • Huwag dalasan ang pagkain ng maalat – tataba ka nang lubusan lalo na ang iyong tiyan kapag marami kang kumain ng maalat. Kung naghahanap ka talaga ng pampaliit ng tiyan, itigil mo na ang pagkain ng maalat. Ito ay mabilis na makapag-trigger ng pananatili sa iyong katawan ng tubig na dala ng maalat na pagkain.
  • Iwasan ang palagiang pag-upo – Kung ang pang-araw-araw na trabaho o aktibidad ay kinakailangan ng matagalang pag-upo, siguraduhing madalas din ang pagtayo. Tama, tumayo ka at maglakad-lakad tuwing dalawang oras upang hindi maimbak ang taba mo sa katawan dulot ng hindi masyadong paggalaw.
  • Kung maaari, iwasan na ng todo ang pagkain ng cake at ice cream – ang mga ito ang No. 1 na nagtataglay ng asukal bilang pangunahing sangkap. Dahil ang pagkain ng matatamis ay mabilis na magpataba at magpalaki ng tiyan, bawasan ang pagkonsumo ng mga matatamis para hindi na tumaba.
  • Mag-exercise araw-araw — May mga simpleng ehersisyo para sa pampaliit ng tiyan. Mga simpleng ehersisyo lamang ito kagaya ng crunches at sit-ups subalit ang ma ito naman ay major contributors sa pagpapapayat. Ulirin o gawin lang ang ehersisyo ng 20 beses araw-araw at garantisadong liliit ang tiyan.

Mga pampatanggal-bilbil

Para sa pinaka-epektibong pampaliit ng tiyan, mag-workout 30 minuto hanggang isang oras kada araw. Kung sobrang busy ka at hindi kaya mag-workout araw-araw, maaari namang gawin ito ng kahit 3-5 beses lang kada linggo. Ang mga epektibong workout na maaaring gawin ay ang regular na paglalakad, pagtakbo. Kung maraming ka namang oras at may budget—lumangoy. Siguruhing may nakalaang oras katulad ng nabanggit para mag-ehersisyo. Ito ay makatiyak kang papayat ka lalo na ang tiyan mo. Kasabay ng everyday workout ang diet. Mas makabubuti kung monitored mo ang mga mga kinakain kinakain mo at siguraduhing tamang diet lang ang iyong sinusunod na pagkain.

Maraming teknik para mapaliit ang tiyan. Pero hindi naman lahat ay effective. Importante ring malaman na hindi naaangkop para sa lahat ng tao ang mga taktikang ganito. Kaya napakahalaga pa ring masigurong malusog iyong katawan pa subukan ang anumang pampaliit ng tiyan. Maging ang mga pagkain at inuming ikokonsumo ay suriing mabuti. May ibang mga mabisa ngang nakakabawas ng timbang o nakakapagpaliit ng tiyan. Pero mayroo din namang mga produktong hindi epektido, kahit pa palulit-ulit na gamitin ang mga ito.

Para sigurado sa ginagamit o ginagawa para lumiit ang tiyan, kumain o kaya naman ay uminom na lamang ng produktong natural. Isang epektibong paraan ang pag-inom ng isang tasa ng tsaa bago kumain upang madaling matunaw ang pagkaing naiipon sa loob ng tiyan.

Nakikiuso ka bas a online shopping? Karamihan sa mga pampapayat na produkto ay mabibili na rin online. Para siguradong mabisa at ligtas ang iinumin o kainin, pag-aralang mong mabuti ang mga reviews, maging ang mga palitan ng comments ukol sa iyong napiling produkto. Ang mga may mataas na grado at magagandang reviews ang magiging basehan mo sa pagdedesisyon ng produktong bibilhin.

Pinakaimportante sa lahat, bago kumonsumo ng mga produktong pampaliit ng tiyan, siguruhing maayos ang kondisyon ng pangangatawan at kalusugan. Kung maaari, piliin lamang ang natural at madaling mahanap saan mang parte ng bahay katulad na lamang ng tsaa, mga pagkaing mayaman sa fiber at mga prutas tumutulong mapabuti ang iyong sa digestive system. Kapag naman susubok ng mga exercise na pampaliit ng tiyan siguruhing kaya ng iyong katawan at may approval ni ‘dok’ ang sasalihan o gagawing mga physical activities. Mas makabubuting ang ehersisyong pampaliit ng tiyan ay yung mga maaaring gawin kahit na nasa loob ka ng bahay. Kabilang na sa mga ehersisyong ito ang crunches at situps.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Gawin at Inuming Pampaliit ng Tiyan
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!


I-CLICK NGAYON! TRENDING!