Paano Mawala Ang Bilbil: Epektibong Mga Paraan Pampaliit ng Bilbil

Para sa mga kababaihan na nais maging seksi ang katawan, isa ang bilbil sa tiyan sa mga dapat mong bantayan. Kaya naman ang palaging tanong ay paano mawala ang bilbil? Hindi ba dapat itanong muna kung paano ako nagkaroon ng bilbil? Sa artikulong ito tatalakayin natin at bibigyang kasagutan ang iyong mga katanungan partikular sa kung paano mawala ang bilbil.

Ano ang bilbil sa tiyan?

Ang bilbil sa tiyan ay tumutukoy sa sobrang taba sa ilalim ng balat na naipon sa itaas na baywang ng katawan ng tao. Ngunit mas karaniwan itong may kaugnayan sa tambok na nasa gilid ng tiyan. Ito ang nahahawakan at napagpapahingahan ng mga kamay kung magkaharap ang mag-asawa o magkasintahang naglalambingan o nag-uusap habang magkaharap.

Paano ba nagkakaroon ng bilbil sa tiyan?

Paano ba nagkakaroon ng bilbil? Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng bilbil ang isang tao. Pangunahin dito ang kakulangan sa ehersisyo at pagkilos o mobility ng katawan. Isa pang dahilan ay ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain, pagkain ng sobrang matamis, matataba, at sobrang sukat ng kanin o rice. Isa pang dahilan ay ang sobrang stress, Kapag stressed ang isang tao, ang adrenal glands ay naglalabas  ng stress hormone na tinatawag na cortisol. Kapag sobrang stressed tumataas ang dami ng cortisol, at ito’y hindi maganda  dahil naaapektuhan nito ang iba pang hormonal signaling ng katawan. Halimbawa, kapag mataas ang cortisol, tumataas din ang pagnanais na kumain, ganadong kumain dahil sa pagsigla ng appetite at minsan ay cravings sa high-calorie junk food. 

Ang kakulangan sa tulog ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng bilbil sa tiyan. Isa sa  masamang epekto ng kulang sa tulog ay ang pagkakaroon ng imbalance sa mga hormones. At kasama sa mga apektadong hormones ay ang  hunger hormones na ghrelin at leptin.

Ngayong alam mo na ang sanhi nito, alamin naman natin kung paano ba mawala ang bilbil at ano ang paraan ng pampaliit ng bilbil.

Paano mawala ang bilbil: Mga exercise na pampaliit ng bilbil

Ang dalawang pangunahing pampaliit ng bilbil ay ang pagkakaroon ng wastong diet at ehersisyo. Kailangan laging magkatulong ang dalawang ito upang mas maging mabisa. Isa sa uri ng exercise na ipinapayo ng mga physical experts ay ang ehersisyong Aerobics. Ang pinakamahusay na paraan upang gawin ang Ehersisyong aerobics ay ang mataas na pagitan ng pagsasanay. Ito ay kung saan dalawang minuto mong gagawin ang aktibidad sa pinaka-matinding antas at susundan mo ng tatlong minuto na nasa katamtamang antas ng aktibidad, gawin ito ng paulit-ulit para sa mas mabilis na magandang resulta.

Ang pagkain ng mga gulay at prutas na mayaman sa fiber ay mahusay rin na pampaliit ng bilbil. Dagdagan rin ang pagkain ng mga pagkaing sagana sa protina kagaya na lamang ng itlog, karne, mga isdang dagat katulad ng salmon, tuna, at mackerel. Iwasan na rin ang mga masasamang bisyo katulad ng labis na paginom ng beer at alak, at maging ang paninigarilyo. Sinisira nito ang iyong balance diet na nagiging resulta ng pagtaba lalong lalo na ng bilbil sa tiyan. Ang wastong pangangalaga sa katawan ay tiyak na makakatulong saiyo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Mawala Ang Bilbil: Epektibong Mga Paraan Pampaliit ng Bilbil
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!