Paano Magkaroon ng Abs: Mga Tips Para Magkaroon ng Abs ng Mabilis!

Ang magandang pangangatawan ay mabuting tingnan, marami sa ngayon ang humahanga sa may malalaking katawan. Naininiwala ang marami na ang malaking katawan ay nabibigay sa kanila ng appeal. Tinatawag pa nga nila ito na sexy, lalo na kung nakikitaan ito ng abs sa katawan. Ngunit may mga tao naman na sadyang nahihirapan na magkaroon ng malaki at magandang katawan. Marami sa ngayon ay hindi mapigilan ang pagtaas ng timbang, at pagtaba. Kaya marami ang naghahanap ng paraan at nagtatanong, paano magkaroon ng abs? Ano ang mga kailangang gawin at alamin kung paano magka-abs?

Ang magkaroon ng abs ay hindi madali, mayroong mga tamang hakbang na dapat gawin para magka-abs. Mayroon ding mga sekreto kung paano magkaroon ng abs. Ang pinakamabisang paraan ay ilagay sa mindset na isa itong proseso para hindi mainip kung sakali na medyo matagalan ang resulta kung paano magka-abs. Nangangilangan din ng tiyaga para maabot ang goal o tunguhin na magkaroon ng abs, higit sa lahat ay determinasyon.

Gawin ng tama ang mga hakbang at paraan para maabot ang goal na magkaroon ng abs, siguraduhin din na masusunod ang plano. Para magawa ang tunguhin makabubuting mag focus hindi sa resulta kundi sa mga dapat gawin, kung laging iisipin ang resulta ay maaring madismaya. Laging isa-isip na ito ay isang proseso.

Kung paano mgkaroon ng abs: Mga dapat tandaan at kailangang gawin:

Uminom ng maraming tubig. May mga pag-aaral na sinasabing ang pag-inom 16 ounces ng malaming at malinis na tubig sa umaga pagkagising ay makabubuti. Pinapabilis nito ang metabolism ng 24 hangang 90 porsyento. Sa ganitong paraan ay makakatulong ito sa muscles grow kapag maraming tubig ang iniinom. Sinasabi pa na kailangan ng isang gallon na tubig ang maubos para masabing ang isa ay uminom ng maraming tubig. Ang pag-gawa nito ay makatutulong kung paano magkaroon ng abs.

Kumain ng alamusal o breakfast. Ayon pa rin sa mga pag-aaral ang mga tao na hindi kumakain ng almusal ay may malaking tiyansa ng magkaroon ng malaking tiyan. Sinasabi pa na kailangang kumain ng almusal na may protina at mayroong 250 calories para sa isang oras na paglalakad. Ang almusal ang mas mahalaga kaysa tanghalian at hapunan.

Tamang exercise. Lahat ng tao ay mayroong abs, minsan hindi lamang ito nakikita dahil nakatago ito sa layer ng flab o taba ng isang tao. Nang dahil dito kailangan na matunaw ang mga hindi kailangang taba. Isa itong paraan kung paano magkaroon ng abs. Ang isa o dalawang beses na weightlifting at high-intensity interval training ay makabubuti. Ang pumping iron ay mabisa rin, ang kalahating oras ng pumping iron ay nag-boburn ng calories na katumbas ng 6-minute-per-mile na pagtakbo. Ito ay makatutulong sa muscle, at kung paano magka-abs. Ang lifting ay nagpapabilis din ng metabolism.

Iwasan ang pagpupuyat. Iwasan ang pagpupuyat dahil nag-papababa ito ng hormones na responsible
sa pag burn ng fats. May mga pag-aaral din na nagsasabi na ang pagpupuyat ng halos tatlong gabing
sunod-sunod, ang iyong muscle cells ay magiging resistant sa hormone insulin at madudulot ito ng fat
storage sa loob ng iyong tiyan. Para maiwasan ang pagpupuyat laging isa-isip ng iyong goal, mag-review
sa mga ginawang plano kung paano magkakaroon ng abs, sa gabi bago matulog.

Kumain nag mga nararapat na pagkain lamang-sa halip na white rice, mas makabubuti ang brown rice. Kumain ng boiled veggeies,o gulay, grill chicken, whole grains, mga pagkain na mayroong lean protein, katulad ng poultry, fish, eggs, at beans. Iwasan ang mga pagkain na katulad ng processed foods, sugary drinks at junkfoods.

Kung gusto mong maabot ang iyong goal, maaring marami kang dapat baguhin sa mga bagay na dati mong nakasanayan. Nangangailangan din ito ng disiplina, at higit sa lahat determinado ka, kung paano magka abs at lahat ay kaya mong isakripisyo para ma-abot ang iyong goal.

Mga tamang exercise kung paano magkaroon ng abs

Bagamat makatutulong nag tamang displina sa pagkain para magkaroon ng abs, mas malaki ang maitutulong ang exercise. Makabubuti kung pumunta sa isang gym at sumangguni sa isang gym
instructor.

Isa rin sa mabuting kung paano magkaroon ng abs ay ang lifting, makabubuti ito para mgkaroon ng muscle, at mapabilis ang metabolism. Maari gawin ang lifting ng tatlong beses sa isang linggo. Makabubuti kong moderate lamang ang bigat, hanggang sa pabigat habang tumatagal ang training.

Maari ding gawin ang lift free moves, kung ito ng iyong gugustuhin kaysa magbuhat ng hulking machines. Kung minsan mas mabuti din ang exercise na nakatayo dahil na-stabilize ang core o abdominal muscle. Ang total body movement ay makatutulong upang ma burn ang fat, at magkaroon ng muscle.

Narito ang mga workout na maaring gawin:

  • Barbell Squat
  • Drumbeel Lunges
  • Barbell Deadlift
  • Seated Barbell Military Press
  • Dips-chist version
  • Close-grip Barbell Press
  • Pullups
  • Barbell Bench Press-medium
  • Pushups

Mga dapat tandaan ukol sa pagkakaroon ng abs

Sa muli, narito ang mga dapat mong tandaan kung paanp magkaroon ng abs ng mabilis:

  • Uminom ng maraming tubig – makakautlong ito upang mapabilis ang metabolism at muscle grow
  • Kumain ng almusal – sinasabing ang mga tao na hindi kumakain ng almusal ay may mas malaking tyansa para lumaki ang tyan, ang lamusal ay mas mahalaga kaysa tanghalian at hapunan.
  • Iwasan ang magpuyat – ang pagpupuyat ay nagpapababa ng hormones na responsible sa pag burn ng fat, o pagtunaw ng taba sa katawan.
  • Kumain ng tamang pagkain – kumain ng mga pagkain ng may carbs, dahil kailangan ito para mgkaroon ng energy ang katawan. Kumain din ng mga pagkain na mayroong protina.
  • Mga pagkain na dapat iwasan – umiwas sa pagkain katulad ng mga processed foods, sugary drinks, o matatamis na inumin, at junkfoods.
  • Mag exercise ng tama – maraming mga uri ng exercise n makakatulong, mas makabubuti kung pumunta sa isang gym, o sumangguni sa isang gym instructor.

Ang tamang kaalaman kung paano magkaroon ng abs ay sadyang malaking tulong. Maaring mayroon ka ng mga bagay at mga nakasanayan na maaring baguhin upang magamit at maabot ang iyong goal. Ang disiplina at deteminasyon ay kailangan din kung paano magka abs. Ano man an gating mga isinakripisyo at mga pagsisikap na ginawa ay magiging sulit naman ito kapag natupad natin an gating minimithi ang magkaroon ng abs. Higit sa pagkakaroon ng malaki at katawan ay kailangang malusog din ito, at gamitin natin ito sa kapak-ipakinabang na paraan para sa ikabubuti natin, ng ating kapwa, at higit sa lahat para sa ating Dakilang Maylikha.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Magkaroon ng Abs: Mga Tips Para Magkaroon ng Abs ng Mabilis!
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!