Paano Mag Diet na Walang Exercise?

Marami ang gustong pumayat, ngunit walang panahon upang mag execise, isa ka ba sa kanila? Ang artikulong ito ay tutulong saiyo kung paano mag diet ng walang execise.

Mga mahahalagang impormasyong nilalaman ng artikulong ito:

  • Kung ano ang mga dapat gawin upang makapag-diet
  • Mga paraan na makatutulong sa pagdiet
  • Mga pagkain hindi dapat kainin ng mga nagpapapayat
  • Anong mga pagkain ang makabubuti sa pagbawas ng timbang
  • Mga pagkain na mababa ang colories

Maraming dahilan para tumaba ang isang tao, kung hindi tayo magiging mapili sa ating mga kinakain at mga kinaugalian ay maaaring maging mataas ang ating timbang at maging mataba.

May mga dahilan naman para pumayat mga paaran katulad ng gym, ngunit paano kung dahil sa maraming ginagawa sa buhay ay wala na tayong panahon para pumunta sa gym o kaya ay mag exercise? Narito ang ilang paraan kung paano mag diet ng walang exercise.

Mga paraan kung paano mag diet ng walang exercise

  1. Nguyain nang mabuti ang pagkain- Kapag nginunguyang mabuti ang pagkain ay tumatagal ang oras ng pagkain kaya naman sa kaunting pagkain na kinakain ay nakakaramdam na ng pagkabusog.
  2. Gumamit ng maliliit na plato- Gumamit ng maliit na plato kapag kumakain lalo na kapag hindi healthy ang kinakain.
  3. Kumain ng mga pagkain na mayaman sa protina – Ang pagkaing mayaman sa protina ay nakakabusog, kaya naman maiiwasan mong kumakin ng marami, mababa din ang calories nito.
  4. Iwasan ang mga pagkaing hindi healthy – Huwag bibili ng mga pagkain na hindi healthy. Hindi ka matutuksong kumain ng junk foods kung wala nito sa bahay ninyo.
  5. Kumain ng mga pagkaing mayaman fiber – Ang ganitong uri ng mga pagkain ay nakakabusog kaya maiiwasang kumain ng marami. Dahil diyan, ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay nakakabawas ng timbang.
  6. Palaging uminom ng maraming tubig – Sinasabi ng mga pag-aaral na ang pag-inom ng kalahating litro ng tubig o kaya 17 onsa bago kumain ay makakatulong para maiwasan ang pagkain ng marami, dahil sa tubig pa lang ay halos busog ka na. karagdagan pa, ang pag-inom ng maraming tubig ay malaking tulong din sa ating kalusugan.
  7. Kumuha o maghanda lamang ng kaunting pagkain – Tiyak na kaunti lamang ang iyong kakainin kapag kaunti lang din ang iyong ihahain.
  8. Kumain lamang kapag nasa mesa- Iwasang kumain sa harap ng TV dahil baka malibang at maparami ang kain ng hindi mo namamalayan.
  9. Matulog ng mabuti at iwasang ma-strees- kapag puyat ay dumadami ang cortisol, heptin at ghrelin, ang mga hormones na dahilan sa strees at puyat. Ang mga ito rin ang nagiging sanhi ng pagnanasang kumain ng mga hindi healthy na pagkain.
  10. Iwasan ang mga matatamis na inumin- ang mga inumin gaya ng softdrinks kadalasang matataas ang colories, kaya nakatataba ito. Sa halip na softdrinks ang inumin makabubuting fruit juice na lang ang inumin.

Ang mga nabanggit sa unahan ay ang mga kinaugalian na hindi gawin. Makatutulong ito kung paano mag diet ng walang exercise.

Ngayon naman ang pag-usapan naman natin ang mga pagkaing makatutulong kung paano mag diet ng walang exercise.

Mga pagkain na makakatulong na mag diet kahit walang exercise

Narito ang mga pagkain na mababa ang colories kaya naman hindi ito nakakataba, o maaaring mkatulong kung paano ma diet ng walang exercise.

  • Buong itlog – mataas ang protina nito at naglalaman ito ng healthy fats. Mabubusog ka agad ng pagkain ng isang buong itlog. Mababa lang ang calories ng itlog kaya hindi ito nakakataba.
  • Mga gulay – Ang pagkain ng gulay ay mabilis mag papayat dahil mababa lamang ang colories at carbohydrates ng mga ito. Isa pa, ang maberdeng gulay ay mayaman sa fiber.
  • Salmon – Ang salmon ay may mataas na uri ng protina, at maraming taglay na sustansya. Ang pagkain ng sea foods ay nakakatulong upang gumanang mabuti ang thyroid, na siya namang nagpapabilis ng metabolism, kaya nakakapayat ito. Ang salmon ay nagtataglay din ng omega 3 na mahusay na panlaban sa mga sakit sa ugat at dugo kasama na ang obesity.
  • Mga gulay na crucifeuos – Ang mga gulay tulad ng repolyo, broccoli cauliflower at iba pa ay mayaman sa fiber at protina, kaya naman mahusay itong pag diet o pampapayat.
  • Karne ng baka at dibdib ng manok – Ang mga ito ay mayaman sa protina, nakakabusog ito kaya hindi mo na kailangang kumain ng marami. Masustansya din ang mga karneng ito kaya malaki ang maitutulong nito upang maging malusog ang katawan.
  • Nilagang patatas – Ito ay may potassium at fiber na nakakabuti sa katawan at nakakatulong din pag diet o pampapayat.
  • Tuna – Ang tuna a isa ring pagkain na mababa sa colories at fats ngunit mayaman sa protina.
  • Beans – Ang mga pagkain tulad ng black beans, kidney beans at iba pa, ay mayroon ding protina at fiber kaya’t mahusay din itong pang diet o pampapayat.
  • Sopas – ang sopas ay para na ring isang komlpetong pagkain, kadalasan sa mga sopas ay may gulay, karne at prutas. Mayroon din itong maraming tubig. Kahit kumain ka ng maraming sopas ay hindi ka tataba.
  • Kesong puti – Ang kesong puti ay mayaman sa protina at nakakabusog din ito. Ang kesong puti ay mayroon ding calcium na nakakabuti sa katawan.
  • Abokado – Ang abokado ay isang walang katulad na prutas, ito ay mayaman sa fiber at potassium. Ang abokado ay mayaman sa healthy fats, may oleic acid, katulad ng olive oil at maraming tubig.
  • Apple cider vinegar – Maaaring ihalo sa mga lutuin ang apple cider vinegar, nagsisilbi din itong pang diet o pampapayat. Nakakatulong din ang apple cider vinegar na pamababa ng blood sugar.
  • Mani – Ang mani ay mabisang pang diet o pampapayat dahil sa ito ay may fiber, protina at healthy fats na nagpapataas ng metabolism kaya nakakapayat ito.
  • Whole grains tulad ng oatmeal – Ang mga pakain na tulad ng whole grains ay may beta-glucans o fiber na nakakabilis ng metabolism kaya tama lamang itong pag diet o pampapayat.
  • Sili – Ang sili ay mabisa ding pang diet o pampapayat dahil tinutunaw nito ang bad fats kaya mabisa itong pang diet.
  • Mga prutas – Kapag kumakain ka ng maraming prutas ay mabubusog ka na kaya hindi ka na makakain ng marami, bukod pa dito masustansya ito na makakabuti sa kalusugan.
  • Ubas – Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng ubas bago kumain ay isang mabisang paraan para pumayat. Tumutulog din ito upang mapabilis ang produksyon ng insulin sa katawan.
  • Coconut oil – Sa halip na gumamit ng ibang mantika sa pagluluto, mas mabuting coconut oil na lang ang gamitin, mayron itong medium chain tigrycides na tumutulong upang matunaw ang ang mga taba, kaya nakakapagpapayat din ito.
  • Yogurt – Ang yogurt ay may probiotics, kaya maiiwasan ang obesity, at nakakapayat ito.

Ang mga natalakay natin sa artikulong ito ay mahusay an paraan kung paano mag diet na walang exercise. Ang isa pang makatutlong ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili, ang payat na katawan ay mabuti ngunit siguraduhin na malusog tayo at ligtas sa sakit.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Paano Mag Diet na Walang Exercise?
5 (100%) 1 vote

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!