Masustansyang mga Pagkain na Dapat na Nakahain sa Bawat Mesang Pinoy

Malaki ang kontribusyon ng mga masustansyang pagkain sa pagkakaroon ng malusog na katawan, kasabay nito ang wastong exercise ay magkakaroon ka ng malakas na immune system at makakaiwas ka sa mga sakit. Sa artikulong ito tatalakayin natin ang mga masustansyang pagkain na tumutulong sa mga taong magkaroon ng malusog na katawan.

Anu ano ang mga masustansyang pagkain?

Ang mga masustansyang pagkain ay itinuturo sa atin sa bahay man o sa loob ng eskwelahan. Kapag naoospital o kaya naman ay nagpa check-up sa isang doktor ay itinuturo din ito. Kung kaya ang mga masustansyang pagkain ay hindi na bago sa atin. Kaya lang ang problema sa maraming Pilipino ay nahihirapan silang i-maintain ang pagkain nito. Pero para sa dagdag kaalaman, balikan natin kung ano ano ba ang mga masustansyang pagkain na dapat mong kainin.

Masustansyang pagkain na dapat kainin

Ang pagsisilabasan ng ibat ibang recipe ng mga pagkain ngayon kasabay na diyan ang mga instant foods at ready to eat products kagaya ng mga de lata, ay nakakaapekto sa pagkain ng masustansyang pagkain. Bakit? Dahil ang mga processed foods ay hindi na kailangan lutuin, ito ang mga hinahanap ng mga taong abala sa kanilang hanap buhay at maghapong pagtatrabaho kung saan ay tinatamad ka ng magluto dahil sa nagmamadali ka o kaya naman ay pagod ka sa maghapong trabaho.

Kaya naman hindi maitatanggi na ang pagkakaroon ng mga malubhang sakit ay may malaking kaugnayan sa mga kinakain ng tao. Pero paano ba maiiwasan ito? Ano ano ba ang mga masustansyang pagkain? Balikan natin.

Ang ibat ibang uri ng gulay na nakikita natin sa ating kapaligiran ay may kanya kanyang sustansyang taglay na makakabuti para sa katawan ng tao. Gayundin naman sa mga prutas, Ang pagkain ng mga prutas at gulay ay mayaman sa protein,fiber,calcium, na nakakapagpaganda ng ating kalusugan. Ang pagkain ng itlog sa umaga bilang almusal ay nakapagbibigay ng mental alertness sa isang tao lalong lalo na sa mga estudyanteng papasok sa paaralan.

Pagdating naman sa pananghalian ay mas mainam ang pagkain ng isda at karne na mayaman sa protina at kasabay nito ang tamang sukat ng kanin, sabayan din ng mga gulay na mayaman sa fiber. Mainam namang pang himagas ang mga prutas na kagaya ng saging, pinya, mansanas at marami pang iba. Importante ang mayroon kang balance diet upang magkaroon ng sapat na nutrisyon ang iyong katawan.

Sa hapon naman ay masarap at masustansyang ipang merienda ang nilagang saba ng saging, at kamote. Ang saging ay mayaman sa bitamina A, B, C, calcium, iron, phosphorus, potasium at proteins. Samantala ang kamote naman ay mayaman sa carbohydrates na maaari mong ipampalit sa kanin.

At sa gabi naman ay ipinapayo ng mga eksperto ang pagiwas sa pagkain ng marami dahil kapag gabi ay limitado na ang galaw ng isang tao dahil sa magpapahinga na ito at matutulog.

Ugaliin ang pagkain ng masustansyang pagkain para sa malusog na pangangatawan

Mahirap nga namang kumain ng mga pagkaing hindi mo nakasanayan, ngunit may kasabihan tayo na lahat ng bagay ay napagaaralan. Bilang isang payo, simulan lamang sa pagkain ng paunti unti ng mga ganitong pagkain, mahalaga rin na magkaroon ng plano para sa menu araw-araw, makakatulong ito para hindi ka mahirapan sa pagsunod at makasanayan mo ang pagkain ng masustansyang pagkain.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Masustansyang mga Pagkain na Dapat na Nakahain sa Bawat Mesang Pinoy
Rate this post

Sabihin sa iba ang tungkol dito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!

 

I-CLICK NGAYON! TRENDING!